0
Humarap sa media si Sarah Geronimo ng blooming at nasa mood para sa kanyang launching bilang bagong endorser ng Jag Jeans. Pagkatapos nito ay very open na nagkuwento si Sarah about sakanila ng boyfriend nya na ikinagulat ng press dahil dati ay mailap ito at umiiwas sa tuwing mapaguusapan sila. "Sobra ako thankful sa side ni Matteo na very welcoming very warm sa akin, yun naman po ang klase ng pamilya na mayroon sila very open minded. Dahil kami ang magka relasyon although nagkaroon na ako ng relationship in the past siya ang una at talagang legit na nahahawakan ko, nayayakap ko, and I'm hoping na sana siya ang huli di ba? Siyempre nagdadasal pa rin tayo kung ano ang will ng Diyos yun pa rin."Aminado si Sarah na maraming development ang nagaganap ngayon sa kanyang personal na buhay at marami siya natututunan sa mga ito. :"Basta first time po siya nangyayari sa akin lahat so malaking leap po ito para sa akin. Imagine ngayon ko lang ito na e-experience so nagiging learning process din ito para sa akin. Ako sa age ko marrying age na ako at mas matanda ako sa kanya pero yung knowledge at experience ko sa pagmamahal zero pa eh, hindi naman zero pero parang elementary pa lang yun kami dalawa bigayan intindihan may mga hindi pagkaka intindihan minsan pero natututo kami." sobrang naging thankful ni sarah dahil unti-unti ng natatanggap ng magulang ni mateo ang kanilang relasyon.

Post a Comment Disqus

 
Top